Pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pangunguna ni Gov. Manuel N. Mamba ang mga Cagayanong nag uwi ng Kampeonato sa ginanap na Zonal Skills Competition

Pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pangunguna ni Gov. Manuel N. Mamba ang mga Cagayanong nag uwi ng kampeonato sa ginanap na Zonal Skills Competition na itinaon sa Flag Raising Ceremony ng lalawigan noong January 13, 2020.

Kinilala ang galing ng mga mag-aaral ng TESDA gayundin ang kanilang mga coaches sa pitong kategorya na kinabibilangan ng Cabinet making, Wall and Floor Tilling, Information Network Cabling, Automobile Technology, Mechanical Engineering-CAD, Car Painting at Brick Laying. , Tatlo sa nasabing pitong kategorya ang pinanalunan ng mga kinatawan ng probinsiya ng Cagayan.

Dahil dito nakatanggap ng tig P25,000 ang dalawang Gold Medalists at P20,000 naman sa Silver Medalist at mismong si Gov. Manuel N. Mamba ang nag-abot ng kanilang mga insentibo

Copyright © 2015. TESDA-Aparri Polytechnic Institute.All rights reserved.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!